^

Police Metro

Expansion ng OFW Hospital, iginiit ni Go

Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling iginiit ni ­Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang isinusulong na i-institutionalize at palawakin ang Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital sa San Fernando City, Pampanga.

Ito’y kasunod ng natanggap na pagkilala ng OFW Hospital bilang “Public Facility of the Year (Health Category-Philippines)” sa ­ginanap na 2025 GovMedia Conference & Awards sa Singapore. Sinuportahan ni Go ang pananaw ng Duterte administration na specialized healthcare para sa OFWs at natupad ito sa kanyang panunungkulan bilang chairperson ng Senate committee on health. Ang OFW Hospital na nagsimulang mag-ope­rate noong Mayo 2, 2022 sa pamamagitan ng pagsisikap ng gobyernong Duterte at ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga, ay nagsisilbi ngayong dedikadong medical facility para sa OFWs at kanilang mga pamilya.

“Hindi lang po ito basta ospital. Isa itong konkretong patunay na kaya nating unahin ang kapakanan ng mga OFW na matagal nang itinutu­ring na mga bayani ng ating bansa,” sabi ni Go.

HOSPITAL

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with