3 nuclear sites ng Iran, inatake ng US

MANILA, Philippines — Tatlong nuclear sites ng Iran kabilang ang underground uranium enrichment facility sa Fordo ang inatake ng Estados Unidos.
Sa isang post sa social media, sinabi ni Trump na nakumpleto ng Amerika at matagumpay ang kanilang naging pag-atake.
“We have completed our very successful attack on the three Nuclear sites in Iran, including Fordow, Natanz, and Esfahan,” sabi ni Trump sa kanyang post.
Sinabi rin ni Trump na binagsakan ng mga bomba ang Fordow na itinuturing na “primary sites.
“A full payload of BOMBS was dropped on the primary site, Fordow,” sabi ni Trump.
Binati rin ni Trump na great American warriors ang mga nambomba sa mga nuclear facilities na ligtas naman aniyang nakauwi.
Nagpahayag naman ng pagkaalarma si United Nations Secretary-General Antonio Guterres sa “paggamit ng puwersa” ng US laban sa Iran.
Sinabi ng UN na ang ginawa ng US ay mapanganib at lalong tataas ang tensiyon sa rehiyon.
Inihayag din ng UN na ito ay isang direktang banta sa pandaigdigang kapayapaan at seguridad.
Samantala, sinabi Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Robert Ferrer ng Office of Migrant Affairs nitong Linggo, Hunyo 22 na wala pang impormasyon kung may mga Pilipino na apektado sa US-hit Iranian nuclear sites.
Pinayuhan ng DFA ang mga Pinoy na lumayo sa mga Iranian facilities.
- Latest