^

Police Metro

Nawawalang DLSU law stude, natagpuang patay sa Cavite!

Joy Cantos, Cristina Timbang - Pang-masa
Nawawalang DLSU law stude, natagpuang patay sa Cavite!
Naic Cavite Map
Google Map

MANILA, Philippines — Matapos ang may dalawang linggong ­pagkawala sa Bonifacio Global City (BGC), natagpuang naagnas na ang bangkay ng isang Law student ng De La Salle University (DLSU) sa isang bakanteng lote sa Brgy. Sapa, Naic, Cavite nitong ­Sabado ng hapon.

Dakong ala-1:20 ng hapon nang madiskubre sa bakanteng lote na pag-aari ng MJRL Realty ang bangkay ng biktimang si Anthony Banayad Granada, 25-anyos.

Iniulat na nitong nakalipas na Hunyo 8 dakong alas-9:40 ng gabi ay huling nakitang buhay si Granada nang makunan ng CCTV habang naglalakad sa Saluysoy Bridge ng Brgy, Sapa, Naic, Cavite kasabay ng ulat na siya ay nawawala.

Nauna rito, nakunan din ng CCTV ang pag-alis ni Granada sa Ridgewood Premier Condominium sa kahabaan ng C5 Road sa Taguig City noong Hunyo 8 ng alas-6:30 ng gabi.

Agad na naghanap ang pamilya nito at mga awtoridad sa Naic hanggang sa matagpuan ito kahapon, Sabado sa nasabing lugar na wala nang buhay.

Nang matanggap ang report, agad na nagtungo sa lugar ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) at iprinoseso ang crime scene.

Natagpuan ng mga awtoridad sa lugar ang isang drain clog free at isang botelya ng plastic sa tabi ng biktima.

Positibong kinilala ng kaniyang ama ang binata base sa suot na damit at mga kagamitan ng araw na ideklarang siya ay nawawala.

Sa Facebook post ng Taguig City Police noong Hunyo 17, huling nakunan ng CCTV ang biktima na naglalakad sa bahagi ng Ridgewood Premier Condominium sa kahabaan ng C5 Road sa lungsod ng Taguig.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa kasong ito upang matukoy ang ­motibo at masakote ang mga salarin na nasa likod ng krimen.

DLSU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with