^

Police Metro

Barat na buyer ng cellphone tinodas ng seller, 2 pa sugatan

Omar Padilla - Pang-masa
Barat na buyer ng cellphone tinodas ng seller, 2 pa sugatan
Kinilala ang napatay na si Emmanuel Reynaldo, 20-anyos ng Upper Quarry, Brgy. Minuyan, San Jose del Monte City habang sugatan ang magkapatid na sina Martin Beriño, 48, binata, at Mario Beriño, 43; kapwa residente ng nasabing barangay.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang buyer ng cellphone habang sugatan ang mga kasamang magkapatid nang pagbabarilin ng binatang katransaksyon sa bentahan ng cellphone sa San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang napatay na si Emmanuel Reynaldo, 20-anyos ng Upper Quarry, Brgy. Minuyan, San Jose del Monte City habang sugatan ang magkapatid na sina Martin Beriño, 48, binata, at Mario Beriño, 43; kapwa residente ng nasabing barangay.

Naaresto naman ang suspek na si Kenneth Libahan, 22-anyos, walang trabaho, residente ng Sapang Lamig, Brgy. Minuyan Proper ng nasabing lungsod, na nahaharap sa mga kasong homicide at 2 counts of frustrated homicide.

Sa report ng SJDM City Police Station, alas-3:20 ng hapon, nagkaroon ng transaksyon sa bentahan ng cellphone sa Upper Quarry, Brgy. Minuyan Proper ang buyer na si Martin kasama sina Mario at Emmanuel sa nagbebentang si Kenneth.

Nabatid na nang tawaran ng mga biktima ang ibi­nebentang cellphone ay nainsulto umano sa kanilang presyo ang suspek kaya bumunot ng baril at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang mga biktima at mabilis na tumakas sa direksyon ng main road.

Dead-on-the-spot ang napuruhang si Emmanuel habang isinugod ang dalawang kasamahang sugatan sa Ospital ng Lungsod para sa paunang lunas. 

Agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya sanhi ng pagkakaaresto  ng suspek sa kanyang bahay at narekober dito ang cal. 38 revolver na may tatlong bala.

SJDM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with