^

Police Metro

Pasahero ni-rape at ninakawan ng TNVS driver

Ludy Bermudo - Pang-masa

Mahimbing na natutulog

MANILA, Philippines — Nadakip sa isang hot pursuit operation ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Cainta, Rizal ang isang driver ng TNVS (transportation network vehicle service) na gumahasa at nagnakaw ng mga gamit at alahas ng kanyang babaeng pasahero noong Hunyo 15.

Kahapon ay iprinisinta ng NBI sa media ang suspek na si alyas “Michael”, na sumailalim na sa inquest proceedings sa reklamong robbery with rape.

Sa ulat, nagsampa ng reklamo ang biktima sa NBI-National Capital Region (NCR) laban sa suspek hinggil sa insidente noong Hunyo 15, 2025, alas-3:00 ng madaling araw nang sumakay siya sa nai-book na TNVS sa bahagi ng Southern Metro Manila.

Dahil sa antok ay nakatulog ang biktima at nagising nang maramda-man na ginagahasa ng nakapatong na suspek habang nakaparada ang sasakyan.

Sa halip na tumigil sa paggawa ng kamunduhan sa pag-iyak at pagmamaka-awa ng biktima ay sinuntok pa umano siya sa tiyan.

Nang matapos at pumunta sa unahan ang suspek ay mabilis na lumabas ang biktima at habang humihingi ng saklolo ay inagaw ang kaniyang bag na naglalaman ng personal na kagamitan, iPhone 16 at pinitas din ang suot na kwintas, bago tumakas.

Natunton ang operator ng TNVS na nagturo naman kung saan nakatira ang suspek at sa ilang oras na surveillance ay namataan ang suspek na sakay ng e-bike malapit sa bahay nito sa Cainta, Rizal, kung saan siya inaresto.

RAPE

TNVS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with