MANILA, Philippines — Maaaring mapagbigyan ng Land Transportation Franchising Regulatory Bioard (LTFRB) ang dati nang petisyon ng mga pampasaherong jeepney para maipatupad ang P1 provisional fare increase sa bansa.
Ito ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz ay bunga na rin ito ng naging pagtaas ng presyo ng petrolyo dulot ng sigalot sa Iran at Israel at kung aabutin pa ng $80 ang bawat bariles ng Dubai Oil.
Aniya, P1 across the board ang maaaring payagan sa taas-pasahe sa jeep pero walang dagdag para sa succeeding kilometer.
Sinabi pa ni Guadiz na pinag-aaralan na rin nila ang posibleng taas pasahe sa mga provincial bus na matagal na ring may nakasalang na petisyon para dito. Wala pa naman anyang galaw sa pasahe sa Metro Manila buses.
Magkahalong pabor at hindi naman ang mga commuters sa inaasahang taas-pasahe sa jeep dahil maaari umano itong magdulot ng pagtaas naman ng halaga ng bilihin.