Fake news, mga kasinungalingang salot sa kalayaan – Pangulong Marcos Jr.

MANILA, Philippines — Itinuturing ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na salot sa kalayaan ang mga balitang salat sa katotohanan, maling impormasyon at walang tigil na kasinungalingan.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang talumpati matapos pangunahan ang ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan kahapon sa Quirino Grandstand sa Luneta.
Ayon sa Pangulo, kung titingnan ang mga nagaganap ngayon sa buong mundo, nasobrahan ang kalayaan kaya talamak ang fake news, paninira, herd mentality na maaaring makasira sa pamumuhay, kultura at sistema ng kaayusan.
Nagpahayag naman ng kalungkutan ang Pangulo na may ilang Pilipinong ipinipilit ang maling paniwala para sa interes ng iba sa halip na mas dapat isaalang-alang ang kapakanan ng nakararaming Pilipino.
Tila nagparinig naman ang Pangulo sa mga personalidad,indibidwal at kumpanyang sa halip na magbigay ginhawa sa mga Pilipino ay dusa ang ipinaparanas tulad ng nararanasang hirap sa mahal na pagkain, kakulangan ng kuryente at tunay na serbisyo.
Matatandaan na binisita ni Marcos ang mga lalawigang nakakaranas ng kawalan ng supply ng kuryente tulad ng Siquijor kung saan sa ngayon ay ang power provider ay kumpanyang pag-aari ng pamilya Villar.
- Latest