Import ban ng wild birds, poultry products mula Belgium, inalis na – DA
MANILA, Philippines — Makaraang naresolbahan na ang nagdaang avian flu outbreak sa bansa ay tinanggal na ng Department of Agriculture (DA) ang temporary ban para sa importasyon ng domestic at wild birds kabilang na ng poultry products mula Belgium.
Magugunita na nitong buwan ng Pebrero ay pansamantalang na ban ng Pilipinas ang pag-aangkat sa wild birds at poultry products mula Belgium dahil sa outbreak sa highly pathogenic avian influenza (H5N1) sa Sint-Niklaas, Oost-Vlaanderen .
“Belgium is now free from HPAI and the risk of contamination from importing domestic and wild birds and their products, including poultry meat, day-old chicks, eggs and semen is negligible.” Ayon sa DA.
Dating naipatupad ang import ban sa nabanggit na kalakal upang mapangalagaan ang local poultry industry.
- Latest