Pangulong Marcos Jr. tutunghayan ang impeachment trial ni VP Sara

MANILA, Philippines — Nakatakdang tunghayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang magiging takbo ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado na magsisimula ngayong araw ng Miyerkules, Hunyo 11, 2025.
“We are watching, of course,” ayon sa Pangulo sa isang ambush interview matapos ang oath taking ceremony ni bagong Associate Justice Raul Villanueva sa Kalayaan PBS, Malakanyang.
Sinabi ng Pangulo na hahayaan nila ang Senado at manonood lamang ang Malacañang kung paano ang gagawin ni Senate President Chiz Escudero para sa mapayapang transisyon sa susunod na Kongreso.
Nauna nang sinabi ng Pangulo na hindi maiwasan na saluhin ng mga senador sa 20th Congress ang impeachment proceedings ni VP Sara.
Ayon sa Pangulo, wala siyang nakikitang kontrobersya sa pag-usad ng impeachment proceedings sa 19th Congress patungo sa 20th Congress dahil hindi kayang matapos ito bago pumasok ang mga bagong senador.
Sinabi pa ng Pangulo na hayaan ang ang mga senador na magpasya sa isyu ng impeachment ng Bise Presidente dahil ito ang kanilang trabaho.
- Latest