Contempt at detention order kay Roque at iba pa binawi na ng Quad Comm

MANILA, Philippines — Binawi na ng House quad-committee (quad-comm) ang contempt at detention orders na inihain laban kay dating presidential spokesperson Harry Roque, asawa nitong si Mylah, dating presidential adviser Michael Yang, Police Colonel Hector Grijaldo at SPO4 Arthur Narsolis kaugnay ng masusing imbestigasyon sa pamamayagpag ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa illegal na droga at extra judicial killings (EJKs) sa madugong giyera kontra droga ng nagdaang rehimen ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y matapos ang pormal na pagtatapos ng pagdinig ng mega panel na binubuo ng mga Committee on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts.
Unang ipinanawagan ni Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano isa sa apat na co-chairmen ng quad-comm na dapat tanggalin na ang contempt at detention order kay Roque at iba na sinang-ayunan at inaprubahan naman ni quad-comm overall chairman, Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers.
- Latest