Pagbasura sa impeachment vs VP Sara, unconstitutional

This file photo taken on May 9, 2025, shows Philippine Vice President Sara Duterte arrives to file her counter affidavit in response to the National Bureau of Investigation (NBI) complaint over her alleged threat to Philippine President Ferdinand Marcos Jr, at the Department of Justice in Manila.
AFP / Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na malalabag ang 1987 Constitution kung ibabasura ng Senado ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang reaksiyon ng senador sa draft Senate resolution na sinimulan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na naglalayong ideklara ang “de facto dismissal” ng impeachment case.

“Using court analogy, tama that the dismissal motion or reso should be brought before the senate as the impeachment court,” sabi ni Pimentel.

“However, unconstitutional pa rin if the impeachment case is summarily dismissed because the constitution says “TRIAL BY THE SENATE SHALL FORTHWITH PROCEED”, dagdag niya.

Na-impeach si Duterte ng House of Representatives noong Pebrero 5. Isinumite ang Articles of Impeachment na naglalaman ng reklamo sa Senado sa katulad ding araw na in-impeach siya ng 215 miyembro ng Kamara.

“Kung meron nang na-impeach, kailangang marinig ng taumbayan, ano ba ang ebidensiya ng kanilang mga representante sa pag-impeach nila, at kailangang bigyan din ng pagkakataon ang impeached official na depensahan at linisin ang pangalan niya,” sabi ni Pimentel.

Show comments