Bersamin, economic team mananatili sa Gabinete

MANILA, Philippines — Hindi tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang courtesy resignation ni Executive Secretary Lucas Bersamin at ang limang economic team ng pamahalaan.
Sinabi ni Bersamin, na tinawagan siya ng pangulo at sinabing hindi tinangap ang kanyang courtesy resignation at sinabing nasa kanya ang buong suporta nito.
Inanunsiyo rin ni Bersamin na maliban sa kanya ay mananatili sa kanilang posisyon sina Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Cristina Roque; Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto; Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Secretary Arsenio Balisacan; Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman; at Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (SAPIEA) Frederick Go.
Habang nasibak naman sa puwesto si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Loyzaga-Yulo at papalitan ni Department of Energy (DOE) Secretary Rafael Lotilla.
Paliwanag naman ni Bersamin, bagamat walang isyu ng korapsyon si Loyzaga ay may mga nakakarating naman na sumbong kay Pangulong Marcos na mas madalas nasa labas ng bansa si Loyzaga kaya pinagpahinga na ito.
- Latest