Pangulong Marcos: Panahon na para isantabi ang mga isyung pampolitika

MANILA, Philippines — Panahon na para isantabi ang mga isyung pampolitika at dapat nang mas pagtuunan ng pansin ang mga usaping pangkaunlaran ng bansa.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Sabado, Mayo 17, sa kaniyang pagbisita sa headquarters ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas matapos ang proklamasyon ng 12 nanalong senador.
Sinabi ng Pangulo na na nais sana nila na mas maraming kandidato ng Alyansa ang nanalo pero dapat aniyang isantabi ang pulitika at pagtuunan ang mas mahahalagang isyu.
Inisa-isa rin ng Pangulo ang mga isyu na dapat pag-usapan at inamin na binibilang ang araw na natitira sa kanyang termino upang tapusin ang mga nasimulan na.
Pinasalamatan din ng Pangulo ang media sa kanilang coverage sa kampanya kasabay ang paghimok sa kanila na tumulong na ipaalam sa publiko ang kanilang trabaho.
Sa labindalawang kandidato ng Alyansa, ang mga pinalad na nanalo ay sina reelectionist Senator Pia Cayetano at Lito Lapid at senators-elect Erwin Tulfo, Panfilo Lacson, Vicente Sotto III, at Camille Villar.
- Latest