^

Police Metro

Jeep papuntang outing bumangga sa puno, 14 sugatan

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Labing-apat na magkakapamilya ang nasugatan nang mawalan ng preno ang kanilang sinasakyang pampasaherong jeep at sumalpok sa isang puno sa gilid ng Marilaque Highway, Brgy. Magsaysay, Infanta, Quezon nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa report ng Infanta Police, bandang alas-9:30 ng umaga, galing sa Antipolo City ang jeep sakay ang 16 na tao at patungo sa isang beach resort sa Infanta nang mawalan ng preno pagsapit sa palusong at kurbadang bahagi ng highway.

Para maiwasan ang pagbulusok ng jeep at posibleng pagkahulog sa malalim na bangin, ibinangga ito ng 64-anyos na driver na kinilalang si alyas Mauro sa isang puno sa gilid ng highway.

Nagresulta ito sa pagkasugat ng mga sakay, kung saan 10 sa mga ito ay mga menor-de-edad, kabilang ang apat na bata na may edad mula 4-anyos hanggang 9-anyos.

MARILAQUE HIGHWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with