2 pang suspek sa Anson Que kidnap slay, timbog
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang dalawa pang suspek sa pagdukot at pagpatay sa steel magnate na si Anson Que at driver nitong si Armanie Pabillo kahapon sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil, sina Wenli Gong, ang babaeng Chinese na sinasabing mastermind at Wu Ja Ping ay naaresto sa loob mismo ng kuwarto sa isang high end resort bandang ala-1:54 ng hapon.
Si Gong na kilala rin bilang Kelly Tan Lim, ang nagsilbi ring negosyador sa pagdukot kay Que.
Kontrolado rin ni Gong ang e-wallet na ginamit sa P200 milyon ransom money na binayad ng pamilya Que.
Bantay sarado rin ni Gong sina Que at Pabillo sa isang safehouse sa Mecauayan Bulacan kung saan ikinulong bago pinatay ang mga ito.
- Latest