^

Police Metro

Bong Go, binisita at tinulungan ang mga nasunugan sa Tondo

Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos opisyal na maiproklama noong Sabado sa Manila Hotel ay hindi nag-aksaya ng panahon si Senator elect Christopher “Bong” Go sa pagtungo sa Barangay 118 at 123 sa Tondo, Maynila, upang personal na alamin ang kalagayan ng mga pamilyang nasunugan noong Abril 23.

“Noong panahon ng kampanya hindi po kami pwedeng pumunta sa mga nasunugan. Ngayon tapos na po ang eleksyon, tapos na po ang proclamation kaya bumalik po ako dito dahil ‘yon naman po ang pangako ko sa kanila na may eleksyon o wala, pupuntahan ko ‘yung mga nasunugan kung may panahon po ako at may pagkakataon,” ani Go.

Kilala bilang “Mr. Malasakit” para sa kanyang mahabaging tatak na serbisyo, binigyang-diin ni Go na mas gugustuhin niyang maglaan ng oras sa mga biktima ng sunog kaysa magselebra pagkatapos ng proklamasyon.

“Gusto ko silang tulungan dahil gusto kong ilapit ang gobyerno sa kanila. Gusto kong pumunta sa kanila. Hindi ko matiis na nakaupo sa opisina. Mas gusto ko pong ma­kipag-boodle fight dito kaysa pumunta po sa mga hotel after my proclamation para kumain sa mga hotel na magagara. Mas pinili ko pong pumunta rito, makihalubilo sa kanila at tumulong sa mga nasunugan,” sabi ni Go.

Salamat po sa tiwala, salamat po sa pagkakataong makapagserbisyo sa ating mga kababayan,” pagwawakas ni Go.

BONG GO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with