^

Police Metro

Misis tinaga sa leeg ni mister, patay!

Jorge Hallare - Pang-masa
Misis tinaga sa leeg ni mister, patay!
Isang malalim na taga sa leeg ang agad ikinasawi ng biktima na si alyas Risa habang tinutugis na ang kinakasamang suspek nito na si alyas Binoy, 33-anyos, kapwa residente ng Zone-2 ng naturang barangay.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 37-anyos na ginang matapos tagain sa leeg ng kanyang mister sa Sitio Tubog, Brgy. Lourdes, Buhi, Camarines Sur kamakalawa ng umaga.

Isang malalim na taga sa leeg ang agad ikinasawi ng biktima na si alyas Risa habang tinutugis na ang kinakasamang suspek nito na si alyas Binoy, 33-anyos, kapwa residente ng Zone-2 ng naturang barangay.

Sa ulat, dakong alas-7 ng umaga kapwa ang dalawa nasa bahay ng kapatid ni Binoy. Gayunman, sa hindi malamang dahilan ay kumuha ng itak ang suspek at walang kaabug-abog na ti­naga nito sa leeg ang ginang na duguang humandusay.

Mabilis na isinugod ng mga residente at kaanak ang duguang biktima sa Buhi Community Hospital pero idinekla­rang dead-on-arrival.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, sinabi ng mga kaanak na ilang araw na nilang nakikita na parang balisa ang suspek.

LOURDES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with