^

Police Metro

12 na nanalong senador ipoproklama ngayong Sabado

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipoproklama ngayong Sabado, Mayo 17 ng Commission on Elections (Comelec) ang 12 kandidato na senador na nagwagi sa katatapos na May 12, 2025 midterm polls.

Sinabi ni Comelec chairman George Erwin Garcia na ang proklamasyon sa 12 bagong senador ay isasagawa dakong alas-3:00 ng hapon sa Manila Hotel Tent City, kung saan isinagawa ang canvassing.

Pinadalhan na aniya nila ng imbitasyon ang mga naturang senatoriables upang dumalo sa proklamasyon.

Base sa National Certificate of Canvass (NCOC), pasok sa Magic 12 ng senatorial candidates na sina:

 

1. Bong Go – 27,121,073

2. Bam Aquino – 20,971,899

3. Ronald dela Rosa – 20,773,946

4. Erwin Tulfo – 17,118,881

5. Francis Pangilinan –15,343,229

6. Rodante Marcoleta – 15,250,723

7. Panfilo Lacson – 15,106,111

8. Vicente Sotto III – 14,832,996

9. Pia Cayetano – 14,573,430

10. Camille Villar – 13,651,274

11. Lito Lapid – 13,394,102

12. Imee Marcos – 13,339,227

 

Matatandaang nitong Huwebes ng gabi ay pormal nang natapos ng Comelec ang official tally ng nasa 175 certificates of canvass (COC) para sa midterm elections.

Inabot lamang ng tatlong araw ang ­canvassing na pinakamabilis na isinagawa ng Comelec sa kasaysayan ng halalan sa bansa.

Gayunman, nilinaw ng poll body na ang mga boto at ranking ay hindi pinal at isasailalim pa sa auditing.

ELECTION

SENATOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with