^

Police Metro

Serbisyo publiko ay para sa lahat - Bong Go

Pang-masa

MANILA, Philippines — Binigyang-diin ni Senator Christopher “Bong” Go na kailanman ay hindi para sa pulitika o sa alinmang grupo bagkus ay tungkol sa paglilingkod sa lahat ng Pilipino nang walang pagbubukod o pagtatangi ang ginagawa niya sa Senado.

Nanindigan si Go na nananatili siyang matatag sa kanyang mga tungkulin at ang kanyang ­prayoridad ay ang ­iangat ang buhay ng mga Pilipino.

Iginiit ng senador na ang serbisyo publiko, para sa kanya, ay dapat walang pinipili dahil ito ay isang moral na res­ponsibilidad sa bawat mamamayan.

“Wala po akong ­pinipili kahit anong tribu sa Davao o sa ­Mindanao. ‘Yung mga Muslim, ­mahal na mahal namin ‘yan diyan. Parati kong sinasabi, kung anuman ang ating relihiyon, ay Pilipino tayo. Magmahalan tayo,” wika ni Go.     

Inihain din niya ang SBN 2917, o ang Delayed Registration of Birth Act of 2025, upang gawing simple ang proseso ng pagpaparehistro ng kapanganakan at alisin ang mga kaugnay na bayarin sa mahihirap na pamilya.

Ang panukalang batas ay upang tugunan ang humigit-kumulang 3.7 milyong hindi rehistradong Pilipino, karamihan ay mula sa malalayo at hindi naseserbisyuhang IP communities.

Aktibo rin niyang itinulak ang dagdag na suporta para sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) para palawakin ang mga programa tulad ng Hajj subsidies, educational scholarship, community development, at access sa healthcare.

SERBISYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with