Sunog sa Caloocan: 2 dedbol, 5 sugatan
MANILA, Philippines — Dalawa ang nasawi habang lima ang sugatan sa naganap na sunog sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Fire Senior Inspector Elyzer Ruben Leal ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga nasawing biktima na sina Liane Nicole Dacayamat, 16 at Robert Alinas Guerrero, 52 kapwa residente ng Natividad St., Brgy. 81, Caloocan City.
Sa ulat ng BFP Caloocan, alas-5:00 ng hapon nang magsimula ang sunog sa bahay ng mga biktima na kung saan ay hindi nakalabas ang mga ito.
Tinitignan ang umano’y faulty electrical wiring o naiwang charger ng cellphone ang pinagmulan ng sunog at alas-6:00 ng gabi nang ideklarang fire under control ang sunog.
Bandang alas-12:50 ng madaling araw kahapon nang makuha ang bangkay ni Guerrero habang alas-6:42 ng umaga narekober ang bangkay ni Dacaymat.
- Latest