^

Police Metro

Guro, asawang buntis niratrat ng kawatan

Joy Cantos, John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang guro at kanyang buntis na asawa ang nasawi nang sila ay pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang armadong suspek na pumasok sa kanilang computer shop sa Matalam, Cotabato, kamakalawa ng gabi.

Ang mga mag-asawang nasawi ay kinilalang sina Eliser “Esing” Sugaste, guro sa Matalam National High School, at ang kanyang asawang si Lalaine Valdez Sugaste, na nagdadalang-tao.

Sa paunang imbestigasyon ng Matalam Municipal Police Station, naganap ang insidente sa Poblacion, kung saan bigla umanong pinasok ng mga armadong suspek ang computer shop ng mag-asawa.

Tinangay ng mga ito ang pera ng mag-asawa at hini­ngi ang susi ng Honda CRF na motorsiklo ni Eliser at nang maibigay ay agad na pinaputukan ang mag-asawa na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng kanilang agarang pagkasawi.

Negosyante ang mag-asawa at kasama ito sa iimbestigahan ng otoridad kung may kaugnayan sa carnapping o robbery ang motibo sa krimen o may iba pang anggulo sa pagpatay sa kanila.

Nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng PNP laban sa mga suspek at pagtukoy sa motibo sa krimen.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with