CA pinawalang bisa ang pag-abswelto ng RTC kay De Lima sa drug case

MANILA, Philippines — Pinawalang bisa ng Court of Appeals (CA) ang naging desisyon ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 204 na nag-abswelto kay dating Senadora Leila De Lima sa kinakaharap niyang drug case noong 2023.
Batay sa 12-pahinang desisyon CA 8th division, pinaboran ng Appellate Court ang petition for certiorari na inihain ni Solicitor General Menardo Guevarra.
Kaya’t pinasisilip muli ng CA ang mga ginamit na dokumento at ebidensiya na naging batayan sa pagsasampa ng kaso at acquittal ni De Lima.
Matatandaang si De Lima ay nakulong dahil sa diumano’y pagkakasangkot niya sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice (DOJ).
Noong Hunyo 24, 2024 nang ibasura ng Muntinlupa RTC ang ikatlo at huling drug case ni De Lima.
- Latest