^

Police Metro

Bong Go, isusulong Expanded Free Tertiary Education sa lahat

Pang-masa

MANILA, Philippines — Isusulong ng ­muling nahalal na Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang “strong commitment” sa pagpapalakas ng sistema ng edukasyon sa bansa—sa pagsasabing ang pamumuhunan sa edukasyon ay napakahalaga sa pagtiyak ng magandang kinabukasan para sa bawat Pilipino.

“Naniniwala po ako na ang edukasyon ay puhunan ng kabataan, ng mga estudyante. Dala nila ‘yan hanggang sa pagtanda,” sabi ni Go, chairman ng Senate committee on youth.

“Hindi po ayuda. ‘Yung ayuda po one time lang ‘yon, bukas baka wala na ‘yon. Pero ito pong edukasyon dala nila ‘yan,” idinagdag niya.

Kilala sa kanyang malawak na krusada sa repormang pangkalusugan, sinabi ni Go na isa sa kanyang prayoridad sa kanyang susunod na termino ay ang itulak ang higit pang mga programang pang-edukasyon na accessible at inclusive.

Ibinahagi niya na halos ma-veto ang free tertiary education law noong panahon na siya ay Special Assistant to the President pa, ngunit sa pamamagitan ng sama-samang suporta ng iba’t ibang advocates, kabilang siya na tumulong sa pagtatanggol sa panukala, naging batas ito kalaunan. Ngayon, bilang mambabatas, layon ni Go na palawakin pa ang abot nito.

EDUCATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with