^

Police Metro

Presumptive Senator Erwin Tulfo, handang makatrabaho ang mga senador mula sa ibang partido

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinahayag ni ­Erwin Tulfo, isa sa mga inaasahang mananalo sa ­Senado, ang kanyang kagustuhan na ­makipagkaisa sa mga ­kasalukuyang ­Senador at mga kapwa niya ­senator elects, saan man sila nanggaling. ­“Pagod na ang mga Pilipino sa mga away-politika. Ang dapat na makita nila ay ‘yung nagkakaisang mga ­senador, mga lingkod-bayan. Kaya iyan ang una kong ­gagawin kapag ako ay maupo sa Senado: kausapin ang bawat hanay, pahayag ni Tulfo.

Ang sentimyentong ito ni Tulfo ay bunsod ng kasalukuyang ­standing niya sa halalan na ­bilang kandidato ng Alyansa para sa Bagong ­Pilipinas ay kasama ang mga ­pambato ng PDP-Laban at oposisyon sa Top 6 ng Senado.

Ang mambabatas at consistent na ­frontrunner sa senate race ay ­naghayag din ng kanyang plano na tumutok na sa mga kailangang gawin sa trabaho sa Senado.

Maliban sa ­pagkakaisa sa Senado, plano rin ni Tulfo na magsulong ng mga panukalang batas para sa maayos na ­sahod ng mga barangay officials and workers, pag-amyenda sa Rice Tariffication Law at budget ng edukasyon, partikular sa mga nakalaan para sa mga klasrum, paglalagay ng sapat na gamot at gamit sa mga ospital, pagsasabatas ng ­Sustainable Livelihood Program, at pagpapalakas ng suporta at proteksyon sa mga Overseas Filipino ­Workers.

ERWIN TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with