Ilang miyembro ng Quad Comm sa Kamara, talunan sa halalan
MANILA, Philippines — Nabigo ang ilang miyembro ng Quad Committee ng Kamara de Representantes matapos hindi palarin sa Halalan 2025.
Binuo ang House Quad Comm para magsagawa ng komprehensibong imbestigasyon sa mga posibleng ugnayan ng ilegal na POGO, ilegal na droga, extrajudicial killings, at human rights violation sa kampanyang war on drugs sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang sa mga hindi nagwagi sa kanilang tinatakbuhang posisyon ay sina France Castro (Senator), Arlene Brosas (Senator), Dan Fernandez (Governor, Laguna), Gwen Garcia (Governor, Cebu), Benny Abante (Congressman, Manila 6th District), Amparo Maria Zamora (Congressman, Taguig City), Stella Quimbo (Mayor, Marikina City), at Mannix Dalipe (Mayor, Zamboanga City)
Habang nahuhuli naman ang partido nina Raoul Manuel (Kabataan) at Joseph Stephen Paduano (Abang Lingkod).
- Latest