Bawas presyo sa produktong petrolyo ngayong araw
MANILA, Philippines — Magpapatupad muli ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo ngayong araw.
Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, Caltex (CPI) at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng bawas-presyo na P0.30 sa kada litro ng gasolina, P0.90 sa kada litro ng diesel, at P1.25 naman sa kada litro ng kerosene na magiging epektibo alas-6:00 ngayong umaga.
May oil price rollback din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang CleanFuel na magiging epektibo ng alas-8:01 ngayong umaga.
Ang ipatutupad na rollback ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.
Matatandaan na nito lang nakaraang Martes ay nagpatupad ng bawas presyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na P0.55 sa kada litro ng gasolina, P0.65 sa kada litro ng diesel, at P0.90 naman sa kada litro ng kerosene.
- Latest