Illegal vape traders ‘di tatantanan ng BIR

MANILA, Philippines — “Hindi natin tinitigilan ang kampanya natin laban sa illicit trade”.
Ito ang tahasang sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. kasabay ng kanyang mahigpit na babala sa lahat ng may kaugnayan sa pagbebenta ng ilegal na vape products ay mahaharap sa kaukulang kaso at mabigat na parusa.
Patunay dito, ani Lumagui, ang pormal na pagsasampa ng nasa P8.7 billion tax evasion charges laban sa importers ng vape products, partikular ang mga brand na Flava, Flare, at Denkat.
“Patuloy pa rin ang gagawin nating pagsampa ng mga kaso sa mga mahuhuli natin na nagbebenta pa rin ng vape products na hindi bayad ang buwis,” dagdag ni Lumagui.
Nauna rito, sa mas pinaigting na kampanya ng BIR ay nagawa nitong makakumpiska at kalaunan ay winasak na smuggled vape products, na aabot sa halagang P3.26 bilyon kontrabando sa pakikipagtulungan ng Bureau of Customs.
Babala ni Lumagui, bukod sa mga nagbebenta, kakasuhan din nila maging ang mga endorser ng ‘untaxed vape products’.
- Latest