^

Police Metro

Abandonadong shabu lab, nadiskubre sa Rizal

Ludy Bermudo - Pang-masa
Abandonadong shabu lab, nadiskubre sa Rizal
Sinabi ni Mary Ann Mahilom-Lorenzo, tagapagsalita ng PDEA-Calabarzon, gamit ang search warrant, nakumpirma ng PDEA-Special Enforcement Service ang isang bahay na may tagong shabu lab sa Porsche Street, sa Village East Executive Homes, Barangay Munting Dilaw, dakong alas-8:55 ng gabi ng Mayo 9, 2025.
Boy Santos/File

MANILA, Philippines — Nadiskubre ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Calabarzon ang abandonadong laboratoryo at nasamsam ang maraming kagamitan at aparato sa produksyon ng shabu, sa isang raid sa eksklusibong subdibisyon, sa Antipolo City, Rizal noong Biyernes ng gabi.

Sinabi ni Mary Ann Mahilom-Lorenzo, tagapagsalita ng PDEA-Calabarzon, gamit ang search warrant, nakumpirma ng PDEA-Special Enforcement Service ang isang bahay na may tagong shabu lab sa Porsche Street, sa Village East Executive Homes, Barangay Munting Dilaw, dakong alas-8:55 ng gabi ng Mayo 9, 2025.

Kabilang sa sinamsam ng mga operatiba ang mga laboratory apparatus, mga chest freezer, drum, sako na naglalaman ng likido at powdered substance, kabilang ang ephedrine na pangunahing sangkap sa paggawa ng metamphentamine hydrocholiride o shabu.

Nasamsam din ang mga plastic sachet na may mga bakas ng puting kristal na pinaniniwalaang shabu.

Ayon sa opisyal ng PDEA-4A, ang pagtuklas sa shabu lab ay isang follow-up sa naunang operasyon na isinagawa ng PDEA at iba pang ahensya.

Hindi man nadatnan sa lugar ang mga suspek o operator ng shabu lab na pawang mga Pilipino, natukoy na nila ang pagkilanlan ng mga ito na sasampahan ng kaukulang kaso. Maaari aniya, na nakatunog ang mga suspek na tinatrabaho sila kaya nilisan ang lugar.

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with