Nasa 19 milyong junior, senior high graduate sa 2024 ‘di nakakaintindi ng simpleng kuwento - PSA

MANILA, Philippines — Hindi nakakabasa at nakakaintindi ng simpleng kwento ang nasa 19 milyon junior at senior high graduate sa 2024.
Ito ang inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na iprinisinta sa pagdinig ng Senate committee on Basic Education na pinamumunuan ni Sen. Sherwin Gatchalian.
Tinukoy ng PSA na ang isang “functionally literate” ay isang taong marunong magbasa, magsulat, mag-compute, at umunawa.
“Kung titingnan mo ang 2024 figure, may 18 million students na na-detect ng PSA na senior high school graduates at junior high school graduates, pero hindi functionally literate,” ani Gatchalian.
“Meaning nagtapos sila sa ating basic education system, pero hindi sila marunong magbasa, hindi nila maintindihan, at nakakaintindi ng simpleng kwento,” dagdag ni Gatchalian.
Ayon pa sa senador, hindi ito dapat mangyari, kung isasaalang-alang na ang pinaka-“basic goal” ng edukasyon ay ang maging functionally literate ang mga estudyante.
- Latest