2 kelot nalunod sa lawa

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki ang nasawi nang malunod habang nagsu-swimming sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Rizal, nabatid nitong Miyerkules.
Kinilala ang mga biktima na sina alyas ‘Lyndon,’ 27, ng Brgy. San Luis, Antipolo City at alyas ‘Ariel,’ 18, college student, ng Pasong Tamo, Quezon City.
Sa ulat ng Binangonan Municipal Police Station, alas-11:10 ng umaga nitong Martes, na ang pagkalunod ni ‘Lyndon’ ay nangyari sa isang lawa, tabi ng M2 Fishpond, sa Brgy. Ithan, sa Binangonan dakong alas-2:20 ng hapon ng Abril 28.
Ayon sa nakita pa nilang natutulog ang biktima sa isang duyan, sa ibabang bahagi ng kubo nang mahulog sa duyan.
Sa ulat naman ng Rodriguez Municipal Police Station, nabatid na ang pagkalunod ni alyas ‘Ariel,’ ay naganap, alas-6:25 ng gabi ng Abril 16, ngunit naiulat lamang sa kanilang tanggapan dakong ala-1:20 ng hapon ng Martes.
Nauna rito, nagkayayaan umano ang biktima at anim pa niyang kaibigan, na pawang college students, na mag-inuman at mag-swimming sa isang ilog sa Sitio Wawa, sa Brgy. San Rafael, sa Rodriguez. Ang biktima, na hindi naman umano marunong lumangoy, ay tumalon rin sa ilog, ngunit hindi na ito lumutang.
- Latest