Bong Go, ’DuterTEN’ nakuha ang malaking suporta sa Bataan
MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga kapwa kandidato sa pagkasenador mula sa Partido Demokratiko Pilipino (PDP laban) at iba pang senatoriable na inendorso ni dating Pangulong Duterte, ang isang motorcade sa Bataan, at nakakuha sila ng malakas na suporta mula sa mamamayan ng lalawigan.
Kasama ni Go sina Senator Ronald “Bato” dela Rosa, Phillip “Ipe” Salvador, Atty. Jayvee Hinlo, Atty. Raul Lambino, at Dr. Richard Mata. Kabilang din sa DuterTEN slate sina Congressman Atty. Rodante Marcoleta, Atty. Jimmy Bondoc, Atty. Vic Rodriguez, at Pastor Apollo Quiboloy. “Maraming salamat po sa inyong suporta. Gaya po ng sabi ni Tatay Digong, ‘Do what is right at hindi ka magkakamali ‘dyan,” ani Go na pinasalamatan ang kanyang mga tagasuporta.
- Latest