Top 3 best ranking sa WRN survey nakuha ng TRABAHO Partylist
MANILA, Philippines — Nakuha ng TRABAHO Partylist bilang top 3 sa Pre-Election Preferences for the 2025 Party-List Elections survey na inilabas ng WR Numero Research (WRN) para sa Metro Manila dalawang linggo bago ang halalan.
Ito na rin ang pinakamataas na naitalang ranggo ng TRABAHO Partylist, bilang 106 sa balota, sa mga survey na isinagawa ng WRN.
Tinangkilik din ang TRABAHO maging sa Mindanao kung saan ito ay itinanghal na top 5 party-list.
Sa national cluster, umangat sa ika-13 pwesto ang TRABAHO mula sa ika-50 na dating pwesto.
Ang nasabing survey ay nilahukan ng halos 1,894 rehistradong botante nitong Marso 31 hanggang Abril 7.
Sa nalalapit naman na Labor Day, pinagtibay ng TRABAHO Partylist ang kanilang adhikain na isulong ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino, pati na rin ang kanilang patas na oportunidad sa trabaho.
- Latest