^

Police Metro

Vargas bros prayoridad ang paglalagay ng CCTVs sa Quezon City District 5

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pangarap na patuloy na binubuo nina Quezon City 5th District Councilor Alfred Vargas at Congressman PM Vargas para sa kanilang minamahal na distrito ang Novaliches para sa isang ligtas, mapayapa at inklusibong komunidad.

Bilang pagpapatuloy ng kanilang layunin na mapanatili ang kaayusan, seguridad, at kaligtasan ng mga mamamayan sa District 5, inihayag ni Councilor Vargas ang pagpapalawak ng kanilang inisyatiba na mamahagi ng Closed-Circuit Television (CCTV) units sa mga pangunahing lugar sa Novaliches.

Ipinaliwanag niyang hindi sapat ang iisang unit lamang. Kailangan ng maraming CCTV ­cameras para mas epektibong mabantayan ang mga kaganapan sa komunidad at mabigyan ng mas matatag na proteksyon ang mga residente.

Dahil dito, nagkaisa ang magkapatid na Vargas na palawigin ang ­proyekto sa tulong ng mga private partners at non-go­vernmental orga­nizations (NGOs) upang maabot ang mas ­maraming lugar.

Itutuon ang prog­ramang ito sa 14 na barangay ng District 5, partikular sa Novaliches, upang masigurong ang mga residente ay ­ligtas, may kapanatagan ng loob, at may access sa modernong seguridad.

ALFRED VARGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with