P30 milyong buwan bayad ng truckers sa Maynila, inalis na ni Lacuna
MANILA, Philippines — Nagpasalamat kay Manila Mayor Honey Lacuna ang Confederation of Truckers Association of the Philippines, Inc. (CTAP) ng 12,000 truck owners nang malutas ang problema nila na pagbabayad ng P2,500.00 kada buwan o kabuuang P30-milyon sa loob ng isang buwan, sa isinagawang forum kahapon sa Century Seafood Restaurant, sa Malate, Maynila.
Anila, nang idulog nila kay City Administrator Bernie Ang ay agad ipinarating kay Lacuna at nalutas ang matagal na nilang suliranin na tila “extortion” sa nakalipas na administrasyon, na nagpapahirap sa kanilang hanapbuhay.
Inalis si Viaje at naglabas si Lacuna ng Executive Order 41 na nagbabawal sa “passing through fees” at dahil dito, sinabi ni Zapata na nagpapasalamat sila kay Lacuna sa pagiging una at tanging mayor na naglabas ng naturang kautusan.
Bukod sa P2,500 sa mga naka-enroll na trucking company, ang iba pang hindi naka-enroll ay pinagbabayad naman ng P8,000 sa bawat mahuhuling truck.
Ang pangyayari ay naganap noong nakaupo bilang hepe ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) si Dennis Viaje kaya nang magpatuloy pa siya sa administrasyon ni Lacuna ay isiniwalat na ng CTAP ang kanilang concern.
Bilang pasasalamat, inendorso ng CTAP sa pamamagitan ng Pangulo nitong si Maria Zapata si Lacuna sa pag-asang kapag nanalo muli ay hindi na nila maranasan pa ang pahirap at harassment sa kanilang mga driver at pangingikil na walang opisyal na resibo kundi, idinaraan ang pagbabayad sa Gcash na ang receiver ay mga pangalan ng babae.
Bukod kay City Administrator Bernie Ang, dumating din sa pagtitipon si Lacuna, ang bagong MTPB head Toti Diokno III at Manila Police District intelligence chief P/Colonel John Guiagui.
- Latest