^

Police Metro

Karapatan ng manggagawa sa pagsalubong ng Labor Day 2025

Joy Cantos - Pang-masa
Karapatan ng manggagawa sa pagsalubong ng Labor Day 2025
Individuals join the nationwide job fair organized by the Department of Labor and Employment (DOLE) at a mall in Baguio City on January 31, 2025.
STAR / Andy Zapata Jr

MANILA, Philippines — Sa paglapit ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa Mayo 1, muling iginiit ng TRABAHO Partylist ang kanilang matibay na paninindigan sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga manggagawang Pilipino.

Binigyang-diin ng partylist, bilang 106 sa balota, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pangmatagalang trabaho, makatarungang sahod, at mas pinahusay na proteksyon para sa mga manggagawa.

Kaugnay ng ­anunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na may 37,000 job vacancies sa 63 job fairs na gaganapin sa buong bansa, positibong tinanggap ito ng ­TRABAHO Partylist bilang hakbang upang mapababa ang antas ng kawalan ng trabaho.

“Hindi lang ito ­tungkol sa rami ng trabahong iniaalok; dapat tiyakin na ang mga ito ay may makatarungang pasahod, seguridad sa trabaho, at pagkakataong umunlad,” pahayag ni Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist.

Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), 89% ng mga Pilipino ang sumusuporta sa mga platapormang nakatuon sa paglikha ng trabaho, isang pangunahing adbokasiya ng TRABAHO Partylist.

LABOR DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with