Tobacco firms ikinatuwa ang pagkakadiskubre ng BOC sa P83.7 milyong smuggled na sigarilyo

MANILA, Philippines — Pinuri ng mga tobacco firms ang panibagong tagumpay ng Bureau of Customs (BOC) laban sa mga smuggler kasunod ng pagkakadiskubre sa P83.7 milyon na halaga ng smuggled na sigarilyo sa warehouse sa Bulacan.
Kabilang sa nagpaabot ng papuri sa Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP) ng BOC ang Philip Morris Philippines Manufacturing, Inc. (PMPM) at ang Japan Tobacco International na parent company ng Winston at Camel.
Binati nina PMPM Intelligence and Investigation Security Officer Joseph Dizon at JTI counsel Atty. Raoul Fernandez ang CIIS-MICP sa mabilis na aksyon nito na nagresulta sa pagkakakumpiska sa mga smuggled na sigarilyo.
Sa kaniyang panig pinasalamatan ni Fernandez ang liderato ni BOC Commissioner Bien Rubio sa matagumpay na operasyon.
Noong Huwebes, April 24, 2025, nakumpiska ng team mula sa CIIS-MICP ang 83.7 milyon na halaga ng 717 mastercases ng sigarilyo.
Binigyan ng BOC ng 15-araw ang may-ari ng sinalakay na warehouse para magpakita ng mga dokumentong magpapatunay na legal ang pag-aangkat nila ng mga sigarilyo.
- Latest