Mahihirap na Pinoy, tumaas sa 15.5 milyon – SWS

MANILA, Philippines — Tumaas ang bilang ng mga pamilyang Pinoy na mahirap sa nakalipas na apat na buwan batay sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS).
Mula sa 50 percent noong Enero na self-rated poverty ay tumaas naman sa 51 percent noong Pebrero at nasa 52 percent nitong March at tumaas pa sa 55 percent nitong Abril.
Ang naturang survey na ginawa sa 1,800 respondents mula April 11-15, tumaas sa 15.5 milyon ang mahihirap na pamilya mula sa naitalang 14.4 milyon nitong Marso.
Ang self-rated poverty ngayon ang pinakamataas sa higit dalawang dekada noong Disyembre 2024 nang maabot ang 63 percent.
Bumaba naman sa 32 percent ang bilang ng mga pamilyang nagsabing “not poor”, mas mababa sa 36 percent sa unang kuwarter ng 2025.
Nananatiling nasa 12 percent ng mga pamilya ang nagsabing sila ay nasa “borderline” poor nitong April.
Sa self-rated poverty, pinakamataas sa Mindanao sa 70 percent mula sa 60 percent noong Marso, Visayas na nagtala ng 67 percent mula sa 62 percent, Metro Manila sa 45 percent mula sa 41 percent at Luzon, 44 percent mula 46 percent.
Sa mga pamilyang nagsabing hindi sila mahirap ay pinakamataas ang Metro Manila, 45 percent; Luzon, 44 percent; Visayas, 21 percent, at Mindanao, 16 percent.
- Latest