2 estudyante nalunod sa ilog
MANILA, Philippines — Dalawang estudyante ang nasawi matapos na malunod nang tangkain ng isa sa mga biktima na iligtas ang kaibigan kamakalawa ng gabi sa Tullahan River sa Quezon City.
Kinilala ang mga biktima na sina “Mar”, 17 at “Ian”, 14 kapwa estudyante ng Novaliches High School.
Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente bandang alas-9:46 ng gabi nitong Huwebes sa Tullahan River sa Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City.
Bago ang insidente, nagkayayaang mag-swimming ang mga biktima kasama ang iba pang kaklase sa Tullahan River na malapit din sa kanilang mga bahay.
Makalipas ang ilang sandali, nakita na lamang ni “Mar” si “Ian” na nalulunod kaya pinuntahan niya ito at tinangkang sagipin.
Ngunit sa malakas na daloy ng tubig kapwa inanod ang mga biktima hanggang sa malunod.
- Latest