^

Police Metro

Principal na nagpahubad ng toga sa mga estudyante, sinibak

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinibak na sa pwesto ang principal ng isang eskwelahan sa Antique na nagpatanggal sa toga ng mga nagtapos na estudyante sa senior high school.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na ini-report ni Department of Education Secretary Sonny Angara sa Malacañang na inalis na sa pwesto ang principal.

Ang insidente ay nangyari sa Colonel Ruperto Abellon National High School sa ­Laua-an Antique noong April 15, 2025 kung saan nag-viral ang video nang pag-anunsyo ng principal na hindi dapat magsuot ng toga ang mga gradua­ting student alinsunod sa panuntunan ng DepEd na gawing simple ang seremonya ng pagtatapos.

Pero sinabi ni Castro na maaari pa ring magturo sa ibang eskwelahan ang principal dahil hindi naman ito tinanggalan ng lisensya.

Sinabi rin ni Castro na ipauubaya na ng Palasyo sa DepEd kung ano ang magiging disposisyon sa principal kung may kakaharapin ba itong kasong administratibo o sapat na ang pagtanggal dito bilang principal ng nabanggit na eskwelahan.

DEPED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with