^

Police Metro

Higit 31K PDLs boboto ngayong Mayo

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Higit 31K PDLs boboto ngayong Mayo
Ito ang sinabi ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesman Supt. Jayrex Bustinera na 31,251 PDLs ang boboto sa special polling centers sa loob ng mga kulungan ng BJMP habang nasa 464 PDLs naman ang i-e-escort ng mga jail officers upang makaboto sa kani-kanilang mga barangay kung saan sila rehistrado.
KJ Rosales / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Aabot sa mahigit 31,000 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang nakatakdang bumoto para sa national and local elections sa Mayo 12.

Ito ang sinabi ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesman Supt. Jayrex Bustinera na 31,251 PDLs ang boboto sa special polling centers sa loob ng mga kulungan ng BJMP habang nasa 464 PDLs naman ang i-e-escort ng mga jail officers upang makaboto sa kani-kanilang mga barangay kung saan sila rehistrado.

Lumilitaw sa datos ng BJMP na pitong PDLs ang tumatakbo sa pagka Senador, Mayor, Kongresista, dalawang Vice Mayor at dalawang municipal councilor.

Nilinaw ni Bustinera na maaari pa ring makaboto ang mga PDLs na hindi pa convicted ng korte. Nabatid na nasa 115,791 ang PDLs sa ilalim ng BJMP sa buong bansa.

Samantala, tiniyak din ni Bustinera na walang ‘vote buying’ na nangyari sa mga piitan kung saan nakakulong ang ilang mga kilalang kumakandidato.

PERSONS DEPRIVED OF LIBERTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with