^

Police Metro

Mag-ina, 1 pa patay sa truck

Mer Layson - Pang-masa

5 sasakyan naatrasan…

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang nasawi kabilang ang isang mag-ina habang 10 iba pa ang sugatan nang mawalan ng preno ang isang trailer truck habang paakyat sa isang paakyat na kalsada sa Marikina City kamakalawa ng gabi at naatrasan ang limang behikulo na kasunod nito.

Batay sa ulat, kabilang umano sa mga nasawi ay isang mag-ina at driver ng isa sa mga behikulong nasangkot sa aksidente.

Sa ulat ng Marikina City Police, alas-11:00 ng gabi nang maganap ang aksidente sa Fortune Avenue, sa Brgy. Fortune, Marikina City na kinasangkutan ng isang trailer truck (AIA-4084), dalawang jeepney (UVL-565 at TWK-363), isang sedan (UHJ-899), at dalawang sports utili­ty vehicle (UHJ-899 at NAV-2836).

Nauna rito, binabagtas ng mga naturang behikulo ang paakyat na bahagi ng eastbound lane ng Fortune Avenue, kung saan nauuna ang trailer truck na minamaneho ni Gabriel Al­meda, 54, residente ng Quezon City.

Gayunman, sa ‘di pa matukoy na kadahilanan ay bigla na lang umanong nawalan ng preno ang trailer truck sanhi upang mabilis itong umatras at inararo ang mga kasunod na behikulo.

Di kalaunan ay tuluyan na ring tumaob ang karga nitong container at nadaganan ang isa sa mga jeep, ang sedan at isa sa mga SUV.

Nasugatan ang mga driver at mga pasahero ng mga nabanggit na sasakyan, na kaagad na naisugod sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) ngunit minalas na masawi ang isa sa mga driver ng jeep, gayundin ng mag-inang sinasabing pasahero ng sedan.

Kaagad namang ina­resto ng mga pulis ang driver ng truck na si Almeda na nakapiit na at mahaharap sa kaukulang kaso sa piskalya.

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with