3 magkapatid tepok sa sunog sa Bulacan

MANILA, Philippines — Tatlong paslit na magkapatid ang nasawi matapos aksidenteng masunog ang kanilang bahay dahil umano sa kandila sa Brgy. Gatbuca, Calumpit, Bulacan, kamakalawa.
Sa ulat, ang mga biktima ay nasa 1 taon na babae, at 2 nitong kuya ay nasa edad 5 at 7 at kapwa residente ng Brgy. Gatbuca.
Ayon sa report, naganap ang insidente bandang alas-11:00 ng gabi sa nasabing lugar.
Base sa impormasyon, posibleng kandila ang naging mitsa ng sunog na tumusta sa mga biktima dahil wala umanong kuryente ng mga oras na iyon.
Sinasabing umalis ang kanilang magulang para makipaglamay sa patay sa kabilang barangay at iniwan ang magkakapatid na walang kamuwang-muwang nang lamunin ng apoy.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pinagmulan ng sunog.
- Latest