^

Police Metro

Kuya binoga ng utol sa ulo, dedo

John Unson - Pang-masa
Kuya binoga ng utol sa ulo, dedo
Sa ulat ng mga barangay officials at ng lokal na pulisya nitong Miyerkules, hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktima, si Joharie Dawi, sanhi ng mga tama ng bala sa ulo na kanyang tinamo ng barilin ng ilang ulit ng kanyang 27-anyos na kapatid na si Phok.
Google Maps

MANILA, Philippines — Isang 30-anyos na lalaki ang nasawi nang pagbabarilin ng kanyang nakakabatang kapatid nitong gabi ng Martes, April 22, 2025, sa Barangay Poblacion sa Talayan, Maguindanao del Sur.

Sa ulat ng mga barangay officials at ng lokal na pulisya nitong Miyerkules, hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktima, si Joharie Dawi, sanhi ng mga tama ng bala sa ulo na kanyang tinamo ng barilin ng ilang ulit ng kanyang 27-anyos na kapatid na si Phok.

Ayon sa mga imbestigador mula sa Talayan Municipal Police Station, matagal ng may hindi pagkakaunawaan ang magkapatid. Muli silang nagkasagutan nitong gabi ng Martes na nauwi sa pamamaril ni Phok sa kanyang kuya.

Tatlong basyo ng .45 caliber pistol ang natagpuan ng mga imbestigador at mga barangay officials sa kung saan naganap ang pamamaril kay Dawi ng kanyang kapatid.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with