^

Police Metro

3 mag-anak binistay ng bala, utas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong lalaki na pawang mag-anak ang nasawi makaraang bistayin ng bala ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa naganap na karahasan sa Brgy. San Julian, Tabuk City, Kalinga nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Santos Calsiyao, Tokar Calsiyao at Leo Palat Calsiao; pawang dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sa report ni P/Col. James Mangili, Provincial Director ng Kalinga Police, ang bangkay ng mga biktima ay natagpuan mapalit sa tahanan ng isang opisyal ng Barangay sa Purok 7 , Brgy. San Julian ng bayang ito.

Base sa imbestigasyon, narinig ng mga residente sa lugar ang mga putok ng baril sa pagitan ng alas-6:30 hanggang alas-7:00 ng umaga malapit sa tahanan ni Brgy. Kagawad Cleve Dumanguing alyas Banatao, miyembro ng tribong Biga .

Narekober naman sa tabi ng katawan ng mga biktima ang dalawang M16 rifles at isang shotgun.

 Sa teorya ng mga otoridad , alitan sa tribo ang isa sa mga sinisilip na anggulo sa nangyaring krimen.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with