TRABAHO Partylist humahataw sa Zamboanga Norte
MANILA, Philippines — Nakakuha ng malakas na suporta ang TRABAHO Partylist na 106 sa balota mula sa partidong pinangungunahan ni Dipolog City Mayor Dexter Uy.
Si Uy ay kasalukuyang tumatakbong gobernador na siyang may platapormang palakasin pa ang lokal na programang pangkabuhayan, turismo at pangkalusugan sa Zamboanga del Norte.
Sa kanilang ginanap na Kuyog Ta! Grand Proclamation Rally ngayong buwan ng Abril, itinaas nila ang mga kamay ni TRABAHO nominee Ninai Chavez.
Ito umano ang bukod-tanging partylist na kasama sa proclamation rally at motorcade sortie ng Team Kuyog Ta at Team I Lab U.
Kamakailan ay nagbahagi rin si Uy sa kanyang Facebook page ng video kung saan may mga aerial view ng libu-libong taong dumagsa para sa Kuyog Ta.
- Latest