Nasawi sa lumubog na barko sa Occidental Mindoro, 6 na

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na umaabot na sa anim ang mga tripulanteng kumpirmadong nasawi nang lumubog ang sinasakyan nilang sand vessel sa karagatang sakop ng Occidental Mindoro kamakailan.
Ayon sa PCG-Southern Tagalog District, isa pang bangkay ang narekober nila mula sa lumubog na MV Hong Hai 16 noong Sabado.
Tinutukoy pa umano ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng biktima.
Anang PCG, sa ngayon ay lima na lamang ang mga tripulanteng patuloy pa nilang pinaghahanap.
Nabatid na ang sand vessel ay mayroong lulang 25 tripulante, na binubuo ng 13 Pinoy at 12 Chinese, nang lumubog sa karagatang sakop ng Rizal, sa Occidental Mindoro noong Martes ng hapon.
- Latest