^

Police Metro

Pagbili ng palay at pagbebenta ng murang bigas ibalik sa NFA

Joy Cantos - Pang-masa
Pagbili ng palay at pagbebenta ng murang bigas ibalik sa NFA
Farmers harvest palay at a rice field in Lingayen, Pangasinan on February 2, 2025.
STAR/ Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Nagbigay ng suhestiyon si ACT-CIS Erwin Tulfo upang matiyak na may murang bigas na mabibili ang mga tao sa buong taon ay dapat ibalik sa National Food Authority (NFA) ang pagbili ng mga palay sa mga magsasaka para ibenta bilang murang bigas sa merkado.

“Wala kasing kakumpitensya ang mga rice traders sa pagbili ng mga palay sa mga ­farmers kaya binabarat nila ang presyo at dahil kontrolado nila ang ­presyo sa farmgate, ­halos ginto ang presyo pagpasa nila sa merkado”, wika ni Tulfo.

Anya, napapanahon na rebisahin ng Kongreso ang Rice Tariffication Law dahil ito ang nag-alis sa NFA na makabenta ng murang bigas dahil sa ngayon tanging pag-iimbak na lang ng bigas para sa buffer stock ng bansa ang trabaho ng NFA.

“Ngayon kasi ang traders at retailers ang nagpe-presyo ng bigas. Walang kakumpitensya na NFA kaya sobrang ­mahal ng presyo ng bigas sa merkado ngayon”, pali­wanag ni Tulfo.

Dagdag pa ni Tulfo, dapat ding ibalik ang may 20,000 na authorize rice retailers sa buong bansa para muling makapagtinda ng NFA rice. Nangako itong agad na rebisahin ang RTL kapag pinalad na mahalal ito bilang senador sa darating na Mayo.

NFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with