^

Police Metro

Quezon road crash: 5 nasawi

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang limang katao kabilang ang isang mag-ina sa nangyaring aksidente sa lansangan sa tatlong bayan sa lalawigan ng Quezon, kamakalawa, ayon sa ulat ng Quezon Police Provincial Office (QPPO).

Batay sa ulat ni QPPO Director PCol. Ruben Lacuesta, ang unang aksidente ay nangyari bandang alas-4:30 ng hapon sa Barangay Madlandungan Calauag, Quezon.

Binabagtas umano ng Manila bound na Yutong Bus ang highway nang salpukin ito ng kasalubong na Toyota Vios, dahil sa lakas ng banggaan ay nayupi ang kotse na agad ikinamatay ng nagmamaneho nito na si “James”, 34, at sakay na hindi nakuha ang pangalan.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital si “Ann”, 26, at ang kanyang 5-anyos na anak na lalaki na kapwa mga residente ng Barangay Putol, Dolores Quezon matapos na bumangga ang kanilang sinasakyang Rusi motorcycle sa isang poste ng kuryente.

Ayon sa pulisya, minamaneho ni Ann ang nasabing motorsiklo at nakaangkas ang anak, ang live-in partner na si Joseph, 33 at kapatid na si Riza, 45, nang mawalan ito ng kontrol sa manibela habang binabagtas ang pakurbadang kalye sa Barangay Putol, Dolores Quezon dakong alas-4:30 ng hapon.

Dahil walang suot na helmet ang mag-ina ay kapwa bumagok ang kanilang ulo sa kalye sanhi upang sila ay malagutan ng hininga habang ang dalawang iba pa ay nilalapatan ng lunas sa ospital sa San Pablo City.

Namatay naman agad ang estudyanteng si “Pio”, 18, nang sumalpok sa kasalubong na Jam Liner Bus sa Barangay Sampaloc 2, Sariaya, Quezon ang minamaneho nitong Honda TMX motorcycle bandang alas-9:15 ng gabi. Nasa kustodya ng Sariaya PNP ang driver ng bus at nahaharap sa kaukulang reklamo.

QUEZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with