^

Police Metro

Lolo, apo dedo sa lumubog na Bangka

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang maglolo ang nasawi matapos na lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa karagatan ng Brgy. Manduyong, Badian, Cebu nitong Sabado de Gloria.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Silvio Verano, 67-anyos at apo nitong si Lhenyl Faith Verano Diez.

Sa ulat ng Badian Police, nangyari ang insidente sa bahagi ng nasabing karagatan bandang ala-1:30 ng hapon.

Nasagip naman ng mga nagrespondeng mga ­tauhan ng Badian Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang dalawang menor-de-edad na sina Bea Veronica Verano Biosano, 14-anyos at Solenn Marie Verano Diez, 12-anyos.

Ang nasabing matanda at tatlo nitong apo ay lulan ng bangka nang pasukin ito ng tubig hanggang sa lumubog. Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang kasong ito.

CEBU

BADIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with