^

Police Metro

Inter-agency task force, nakaalerto ngayong Holy Week

Angie dela Cruz - Pang-masa
Inter-agency task force, nakaalerto ngayong Holy Week
Dumagsa kahapon ang mga pasahero sa transport terminal sa Pasay City upang magtungo sa kanilang mga probinsya para gunitain ang Mahal na Araw.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Para bantayan ang kaayusan ng mga ­lansangan, mga bus terminal at kalagayan ng mga pasahero kaugnay ng paggunita sa Semana Santa ay naka­alerto na ang inter-agency task force na kabibilangan ng LTFRB, LTO, MMDA at DOTr.

Ayon kay LTFRB spokesperson Atty. Ariel Inton, nakatuon ang ­pansin ng inter-agency task force sa mga pasaway na moto­rista at colorum vehicles.

Nanawagan si Inton sa publiko na huwag samantalahin ang pagsakay sa mga colorum vehicles dahil illegal ito at wala itong insurance para sa mga pasahero nito oras na masangkot sa aksidente.

Hinikayat din ni ­Inton ang mga bus terminal owners na bigyan ng sapat at maayos na akomodasyon ang mga pasahero tulad ng libreng paggamit ng  CR, malinis na waiting area at upuan at pagkakaroon ng first aid station.

Nasa 1,018 permits anya ang naipagkaloob ng LTFRB para sa mga bus na binibigyan ng pahintulot na makapasok sa ibang ruta. Ito anya ay dagdag na unit na laan para sa dadagsang pasahero.

Sinabi ni Ms. ­Colyn Calbasa ng PITX na aabutin nang hanggang 170,000 hanggang 200,000 ang daily passenger nila na uuwi ngayong Holy Week sa mga ­probinsiya.

Anya mas dumami ngayon ang dagsang pasahero dahil bukod sa ­Semana Santa ay nasabay pa sa graduation ng mga mag-aaral kaya’ t dumami ang bilang ng kanilang pasahero.

HOLY WEEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with